Ang mga Karapatan ng Babae sa Kanyang Asawa
Nararapat lamang na ipakita natin ang mga katibayan mula sa Banal na Qur’an at sa mga ‘Hadeeth’ ng Propeta ng Allah (s) upang maipaliwanag ang mga karapatan ng babae sa kanyang asawa;
- Ang Allah (y) ay nagsabi: ay nagsabi ; "At pakisamahan sila ng marangal. Kung sila’y hindi ninyo kinalulugdan, maaaring hindi ninyo kinalulugdan ang isang bagay na sa pamamagitan nito’y magbibigay ang Allah ng isang masaganang kabutihan" (Qur’an 4:19)
- Ang Allah (y) ay nagsabi: “…At sila (ang kababaihan) ay mayroong karapatan (sa kanilang asawa na sila ay pangalagaan, katulad ng gastusin sa bahay) gayundin naman (ang kalalakihan) sa kanilang pakikitungo (sa pagsunod at paggalang sa mga babae) sa kanila...”. (Qur’an 2:228)
- Ang Propeta (s) ay nagsabi; “Ang pinakamabuti sa inyo ay ang pinakamabuti para sa kanyang pamilya”.(Ibn Majah)
- Si Hakeem b. Mu’awiyah al-Qushairi ay nag-ulat na sinabi ng kanyang ama;‘O Sugo ng Allah (y), ‘Ano ang karapatan ng isa sa aming mga asawa mula sa amin? Siya ay nagsabi: ‘Pakainin at damitan siya tulad ng pagdadamit at pagpapakain sa kanyang sarili. Huwag mo siyang saktan sa mukha, at huwag kang magsabi ng masama at kabastusan sa kanya. Maaa ri mo siyang talikuran sa kanyang kama (at huwag siyang ipagtabuyan sa ibang bahay)”. (Abu Dawood)
- Ang Propeta (s) ay nagsabi; “Ang pinakamabuting mananampalataya ay ang may pinakamagandang pag-uugali, at ang pinakamabuti sa inyo ay ang pinakamabuti sa kanyang pamilya”. (Ibn Hibban)
- Ang Propeta (s) ay nagsabi;“Matakot sa Allah, at maging maalalahanin sa Kanya tungkol sa kababaihan. Sila ay inyong pinili dahil sa inyong pananalig (na ipinagkaloob sa inyo) mula sa Allah, at lapitan sila sa pamamagitan ng salita ng Allah. Hindi niya maaaring pahintulutan ang sinumang ayaw mong papasukin sa inyong tahanan maging lalaki o babae, at kung ginawa nila ito, magkagayon sila ay saktan (ng bahagya ng hindi sila napipinsala). At (ang kababaihan) sila ay may karapatan [mula sa kanilang asawa (tungkol sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay)] katulad ng mga (karapatan ng mga lalaki sa kanilang asawa kaugnay sa pagsunod at paggalang) karapatan sa kanila kung ano ang nararapat.’ (Muslim)
- Ang Propeta (s) ay nagsabi; “Huwag hayaan ang isang mananampalatayang lalake na tuluyang kamuhian ang isang mananampalatayang babae, sapagka't kung mayroon man siyang kinamumuhian dito, maari rin namang mayroong siyang nagugustuhan sa ibang ugali nito”. (Muslim)
Katotohanan, ang Ganap na Kadakilaan at Kaganapan ay nasa Allah (y) lamang.