Ang Mga Karapatan ng Lalaki sa Kanyang Asawa
- Ang Allah (y) ay nagsabi tungkol sa mga matatapat na babae: “…Ang mga matatapat na kababaihan ay ganap na sumusunod (sa Allah at sa kanilang mga asawa), na nangangalaga sa panahon na wala ang (kanilang asawa) at kung ano ang ipinag-uutos ng Allah na dapat nilang bantayan (tulad ng kalinisan ng kanilang pagkababae at mga ari-arian ng kanilang asawa)…”. (Qur’an 4 :34)
- Iniulat ni A'ishah (d), aking tinanong ang Propeta (s): “Sino ang mayroong higit na karapatan sa isang babae? Sumagot ang ; ‘Ang kanyang asawa’. Nagtanong akong muli; ‘Sino naman ang mayroong higit na karapatan sa isang lalaki? Sumagot ang ; Ang kanyang ina”. (Haakim)
- Sinabi ni Husain b. Muhsan na ang kanyang tiyahin ay nagsabi; Ako ay lumapit sa Sugo ng Allah() at nagtanong tungkol sa isang bagay. Pagkaraan noon tinanong niya ako; ‘Mayroon ka bang asawa? Ako ay sumagot ng pagsang-ayon. Tinanong niya ang babae; ‘Papaano mo pinakikitunguhan ang iyong asawa?. Sumagot siya; ‘Ginagawa ko ang lahat ng aking makakaya hangga’t hindi ko na kaya’. Ang ay nagpayo; ‘Pangalagaan mo siya dahil nakasalalay sa kanya ang iyong ‘Paraiso o Impiyerno’. (Haakim)
- Sinabi rin ng Propeta ng Allah(s):“Kung ginagawa ng babae (asawa) ang kanyang limang beses na pagdarasal (Salah), isinasaalang-alang ang pag-aayuno sa buwan ng Ramadan, pinangangalagaan ang kanyang katawan at sinusunod ang kanyang asawa, siya ay bibigyan ng karapatang pumili kung saan niya nais pumasok sa mga pintuan ng Paraiso”. (Ibn Hibban)
- Si Mua’aadh b. Jabal ay nagsabi na siya ay pumunta sa Shaam at nakita niya ang mga Kristiyanong nagpapatirapa sa kanilang mga Pari at mga Pastor. Nakita rin niya ang mga Hudyo na nagpapatirapa sa kanilang mga Ministro at mga Paham. Tinanong sila; ‘Bakit ninyo ginagawa ito? Sila ay nagsabi; ‘Ito ang pagbati na nauukol sa mga Propeta (s).’ Siya ay nagsabi; ‘Ang aming Propeta (s) ay higit na nararapat sa ganitong karangalan! Sa gayon ang Propeta (s) ay nagsabi;“Sila ay naglubid ng kasinungalingan laban sa kanilang mga Propeta kagaya ng kanilang pagwasak sa kanilang mga aklat; kung aking ipag-uutos sa inyo na magpatirapa sa sinuman sa inyo, uutusan ko ang babae na magpatirapa sa kanyang asawa, dahil sa mga karapatan na nararapat niyang panagutan. Ang babae ay hindi makakatikim ng tamis ng pananampalataya hangga’t hindi niya napupunan ang karapatan ng kanyang asawa.” (Haakim)