PANIMULA

Ang Islam ay kumikilala sa katotohanang ang pagnanasang sekswal ay nararapat bigyan ng kaukulang kaganapan. Ang pagsasakatuparan nito ay isang bagay na maituturing na marangal habang ito'y isinasagawa ayon sa mga itinakdang hangganan ng Shari'ah (Batas ng Islam).
Hindi nakahihiyang bigyang kaganapan ang pagnanasang ito at hindi rin nararapat na ipagwalang-halaga. Ang Allah (y) ay nagsabi; "Kaakit-akit sa mata ng sangkatauhan ay ang pagmamahal sa mga bagay na kanilang kinahuhumalingan; mga kababaihan, mga anak, pag-iimbak ng mga ginto at pilak (kayamanan), mga makikisig at magagandang kabayo, mga bakahan at mga sakahang lupa. Ito ang mga pag-aari sa kasalukuyang pamumuhay; nguni't sa Allah, ang pinakamahusay na pagbabalik ay nasa Kanya (ang Jannah)" (Qur’an 3:14)

Ang mga Karapatan ng Babae

Si Hakeem b. Mu’awiyah al-Qushairi ay nag-ulat na sinabi ng kanyang ama;‘O Sugo ng Allah (y), ‘Ano ang karapatan ng isa sa aming mga asawa mula sa amin? Siya ay nagsabi: ‘Pakainin at damitan siya tulad ng pagdadamit at pagpapakain sa kanyang sarili. Huwag mo siyang saktan sa mukha, at huwag kang magsabi ng masama at kabastusan sa kanya. Maaari mo siyang talikuran sa kanyang kama (at huwag siyang ipagtabuyan sa ibang bahay)”. (Abu Dawood)

Magbasa pa +

Ang Diborsyo sa Islam

Isinasaalang-alang sa Islam ang pag-iisang dibdib bilang isang sagrado at banal na ritwal. Sa dahilang ang Islam ay mahigpit na naglalayon upang maging matibay at mapalakas ang ugnayan ng mag-asawa. Inilarawan ng Allah (y) ang kontrata ng kasal bilang isang matatag at matibay na kasunduan.

Magbasa pa +

Ang Pag-aasawa sa Islam

Ipinaliwanag ng Propeta (s) ang mga bagay na nanghihikayat sa mga Muslim upang magpakasal. nabanggit ang pinakamahalagang bagay kaugnay nito ay ang pagiging makatuwiran at matapat. Sinabi niya ;“Ang katangiang hinahanap sa babae upang pakasalan ay isa sa apat na sumusunod; dahil sa kanyang kayamanan, sa kanyang angkan (may karangalan), kagandahan at sa kanyang Deen (Relihiyon).” Pakasalan ninyo ang babae dahil sa kanyang Deen (Relihiyon), sana’y biyayaan ng Allah ang inyong kamay.” (Bukhari) Magbasa pa +

Sa Islam, ang pag-aasawa ay ipinagkakapuri. Ito ang tanging daan upang ang isang tao ay mahibsan ang kanyang pagnanasang sekswal. Ang Sugo ng Allah (s) ay nagsabi: “Ako ay nag-asawa, kung sinuman ang hindi nagsaalang-alang sa aking Sunnah, siya ay hindi kabilang sa akin.” (Irwaa al-Ghaleel)

Ang Islam ay kumikilala sa katotohanang ang pagnanasang sekswal ay nararapat bigyan ng kaukulang kaganapan. Ang pagsasakatuparan nito ay isang bagay na maituturing na marangal habang ito'y isinasagawa ayon sa mga itinakdang hangganan ng Shari'ah (Batas ng Islam). Hindi nakahihiyang bigyang kaganapan ang pagnanasang ito at hindi rin nararapat na ipagwalang-halaga.