Mga Kaugalian sa Gabi ng Kasal
Kapag ang mag-asawa ay nagtagpo sa unang pagkakataon,ang lalaking ikinasal ay pinapayuhang maging maginoo sa paglapit at makipag-usap sa paraang kalugod-lugod sa kanyang asawa, upang simulan ang magandang relasyon at mawala ang nadaramang takot at pagkabahala.
“Si Asmaa bint. Yazeed b. As-Sakan, kalugdan nawa siya ng Allah, ay nagsabi; ‘Inihanda ko si A’ishah para sa Sugo ng Allah’ at tinawag ko ang Sugo, siya ay pumasok at umupo sa tabi ni A’ishah. Isang pitsel ng gatas ang ibinigay sa kanya, at siya ay uminom mula rito, at ibinigay kay A’ishah. Ibinaba niya ang kanyang ulo dahil siya ay nahihiya. Si Asmaa ay nagsabi; ‘Pinagsabihan ko A’ishah at sinabi ko: ‘Kunin mo sa kamay ng Propeta!’ Kinuha niya ito at uminom siya mula rito. Pagkatapos sinabi ng Propeta sa kanya, ibigay mo sa iyong mga kasama.’ Sinabi ni Asmaa; ‘O Sugo ng Allah, kunin mo muna at uminom ka mula rito, at iabot mo sa akin.’ Kinuha ng Propeta at uminom siya rito at ibinigay sa akin. ‘Ako ay umupo at pinaikot ko ang lalagyan upang makainom ako sa lugar mismo ng pinag-inuman ng Propeta. At sinabi niya; ‘Ibigay mo sa kanila.’ (i.e. Sa ibang kababaihan na kasama ko). Sila ay nagsabi; ‘Hindi namin nagugustuhan iyan.’ Ang Propeta ay nagsabi; ‘Huwag kayong magtipon sa gitna ng pagkagutom at kasinungalingan.” (Ibn Majah)
Iniulat din sa mga Sunnah na nararapat mag-alay ng panalangin ang lalaki habang hawak ang ulo ng babaeng pinakasalan at manalangin sa Allah (y), gaya ng naiulat sa isang Hadeeth:
Iniulat din sa mga Sunnah na nararapat mag-alay ng panalangin ang lalaki habang hawak ang ulo ng babaeng pinakasalan at manalangin sa Allah, gaya ng naiulat sa isang Hadeeth:
Ang kahulugan ay;
“O Allah! Ako ay nagsusumamo sa Iyo (na ipagkaloob Mo sa akin) ang pinakamabuti sa babaeng ito at ang pinakamaganda sa kanyang pag-uugali. O Allah! Nagpapakupkop ako sa Iyo mula sa lahat ng kasamaan at sa kanyang di-magandang pag-uugali”.
(Bukhari)