Ang Bunga ng Malayang Ugnayang Sekswal
Mahigpit na ipinagbabawal sa Islam ang pangangalunya at ang anumang uri ng pakikiapid, at ito ay itinuturing na isang malaking kasalanan. Sa katunayan, ipinagbabawal sa Islam ang anumang bagay na maaaring maging ugat nito.
Si G. Sayyid Qutub ay nagsabi: “Hangarin ng Islam na alisin sa tao ang lahat ng masasamang uri o katutubong asal hayop hinggil sa pagnanasang sekswal, na kung saan ay hindi nakikilala ang pagkakaiba ng bawat tao. Nilalayong makatulong ang Islam sa pagpapatayo ng pangmatagalang pamilya at hindi ang ugnayang naglalaho pagkaraan ng unang pakikipagniig. Layunin din ng Islam na makapagpanatili ng pagmamahalan sa pagitan ng dalawang kasarian bilang makataong damdamin at emosyon; na may ugnayan ang bawat puso ng mag-asawa, ang damdamin at ang kanilang katawan ay parang iisa lamang. Ang mag-asawa ay nagsasama ng may iisang prinsipiyo at inspirasyon; parehong itinataguyod ang kahirapan sa buhay at kapwa naghahangad ng kanilang kinabukasan. Sa ganitong kalagayan, ang bagong henerasyon ay maitatatag, sa ilalim ng pangangalaga ng kanilang mga Muslim na magulang sa tamang pamamaraan.
Kaugnay nito, ang Islam ay naglaan ng mabigat na parusa sa mga nangangalunya, at ito ay naglalarawan ng makahayop na pag-uugali, kung saan pinapawi nito ang mga kahulugan at layunin (nabanggit sa itaas) na nagpapabago sa isang tao upang maging isang hayop…hindi na niya mailarawan ang kaibahan ng babae sa iba, at ang isang babae ay hindi na mailarawan ang kaibahan sa pagitan ng lalaki sa iba. Ang lahat ng adhikain ng tao ay mapunan lamang ang kanyang pagnanasang sekswal. Kahit paghambingin pa ang bawat isa, walang mabuting maidudulot mula sa ganitong relasyon, at hindi maaaring pagkatiwalaan o maging daan para sa ikabubuti ng kanyang (pamayanan); hindi maaaring magka-anak at hindi lalabas ang tunay na damdamin. Ang tunay na kaligayahan ay naghahatid ng pangmatagalan damdamin, at ito ang kaibahan sa pagitan ng pagnanasa, makamundong hangarin at ang tunay na damdamin. Maraming hindi nakakakita sa kaibahan ng dalawang bagay na ito at sila ay naguguluhan. Ang kalimitang inaakala ng nakararami sa ganitong emosyon ay isang damdaming makahayop! Hindi pinipigilan ng Islam ang isang tao sa pagpapakita ng kanyang natural na emosyon o kaya ay itinuring na isang mababang pag-uugali. Pinamamahalaan ng Islam ang pagnanasang sekswal at itinataas ang tao, ginagawang malinis at dalisay mula sa makahayop na asal. Ang pakikiapid at ang mga patutot ay itinuturing sa Islam na isang pinakamababang uri at masamang gawain sa lipunan na walang halaga, at ito ay higit na malayo mula sa anumang damdamin, emosyon at magandang pag-uugali at salat sa damdaming nagpapahalaga sa pakikipag-ugnayan. Itinuturing ng Islam ang mga patutot na isang pinakamaruming gawain sa pamayanan ng tao. Ang gawaing ito ay nagpapababa sa antas ng isang tao at maituturing na higit pa sa mababang hayop. Sa katunayan, may mga hayop na nabubuhay ng desente at maayos na pamumuhay, at malayo sa mga suliraning nagmumula sa mga gawaing pakikiapid na siyang dahilan ng kaguluhan sa ibang lipunan.”.
Kapaki-pakinabang na banggitin ang mga masasamang pangyayari na dulot ng kaguluhan ng dahil sa ipinagbabawal na pakikipagtalik sa isang pamayanan, at ang kasamaang ito ay ang mga sumusunod:
- Ang pagkalat ng epidemya at ng mga nakamamatay na sakit na hindi lamang nakasasama sa iisang tao, bagkus, sa buong pamayanan. Ang Allah (y) ay nagsabi: “At iwasang mahulog sa bawal na pakikipagtalik. Katotohanang ito ay isang malaking kasalanan (‘Fahishah’) at isang masamang gawain (na magbubulid sa isang tao sa Impiyerno malibang siya ay patawarin ng Allah)”. (Qur’an 17:32)
Ang Propeta ng Allah (y) ay nagsabi:“O Muhajireen, ako ay nagpapakupkop sa Allah na kayo ay makakasaksi o masusubukan ng limang bagay;
- Ang bawal na pakikipagtalik ay hindi madaling mapapansin ng mga tao, maliban sa mga sakit at karamdamang hindi pa nalalaman noon ay lumaganap (sa pamayanan).
- Ang mga tao ay hindi mandaraya sa pagtimbang sa kanilang mga paninda, magkagayon, sila ay mapaparusahan ng tagtuyot at pagkagutom, maghihirap sa panustos o hanapbuhay at ang kanilang pinuno ay magiging malupit sa kanila.
- Ang mga tao ay hindi dapat tumigil sa pagbabayad ng Zakah, magkagayon, ang ulan ay pipigilin din para sa kanila, na kung hindi lamang sa mga hayop sila ay hindi makakatanggap ng ulan.
- Ang mga tao ay hindi sisira ng kanilang pangako sa Allah at sa Sugo ng Allah (y), magkagayon ang kanilang mga kalaban ay mangingibabaw laban sa kanila, at maaaring makuha ulit ang mga nabawi nilang nakamkam noong una.
Kung ang mga Pinuno ay hindi pasasakop sa Aklat ng Allah, ang kanilang lakas ay magugugol sa pakikipaglaban at pakikipag-away sa iba. (Haakim)
Nawawala ang puri at karangalan ng isang tao sa paggawa ng kasamaan, at siya ay nagiging parang isang hayop na ang layunin ay matupad ang pagnanasa. Dahil dito, siya ay masasadlak sa kahirapan dahil sa malaking gastusin sa paghahanap at pagsasagawa ng ipinagbabawal na pakikipagtalik at hangaring nadarama. Dahil din dito ang isang tao ay tunay na magsisisi sa buhay na ito, at pananagutan din niya ito sa pagpaparusa sa kanya sa Impiyerno. Ang sinumang lumapit at gumawa ng ganitong kasamaan (pakikiapid at pangangalunya) ay nagiging maigsi ang buhay dahil sa mga sakit na nakukuha mula rito, na maaaring maging daan ng kanyang dagliang kamatayan.
- Mga Anak sa Pagkakasala; ang mga batang anak sa labas ay nawawalan o inaalisan ng karapatan sa pagmamahal at pag-aaruga ng tunay niyang magulang. Ang kinasapitan ng mga batang ganito ay kulang sa patnubay at nawawala sa tamang direksiyon ng kanilang buhay. Walang ibang makapagbigay ng maayos, matapat at makahulugang patnubay sa mga bata kundi ang kanilang tunay na magulang. Samakatuwid, ang mga batang pinagkaitan ng ganitong kapalaran ay lumalaki at hindi mapigilan o masupil sa paggawa ng kasamaan at may galit sa karamihan sa lipunan.
Si Gng. Anna Freud, sa kanyang aklat na ‘Children without Families’, ay nagsabi na ang mga batang anak sa pagkakasala ay nagkakaroon ng suliranin sa isip na hindi madaling magagamot ng isang ‘Psychiatrist’ maliban sa dumanas ng labis na paghihirap.
- Karamdamang Sikolohiya; ang bawal na pakikipagtalik ay nagdudulot ng maraming sakit at kaguluhang pangkaisipan. Ang mga taong laging gumagawa ng mga bagay na ito ay nagiging balisa, salat sa pangsariling kaligayahan at satispaksyon, kawalan ng tiwala sa sarili, at takot. Ang Allah (y) ay nagsabi: “At kabilang sa Kanyang mga Tanda ay ito; na nilikha Niya para sa inyo ang inyong mga asawa mula sa inyong mga sarili, upang inyong matagpuan ang katiwasayan sa kanila at Kanyang inilagay sa pagitan ninyo ang pag-ibig at awa. Katotohanan, naririto ang mga Tanda para sa mga taong nag-iisip.” (Qur’an 30:21)
- Sekswal na Magulumihanan; ay naghahatid ng moral na kaguluhan sa pamayanan. Katotohanang ang salapi ay madaling nakakaakit at nakakatukso sa mga tao upang gumawa ng masama. Dahil din sa salapi, maaaring makamtan ng tao ang lahat ng bagay na kanyang maibigan tungo sa kanyang walang hanggang kaligayahan. Kaya naman, kung ang isang gumawa ng ganitong mga kasamaan ay walang sapat na salapi upang matustusan ang kanyang pangangailangan, siya ay maaaring gumawa ng anumang uri ng kasamaan upang mapunan ang kanyang pangangailangan. Siya ay maaaring magnakaw, mandaya, manggulo, manggahasa, magsinungaling, manlinlang at manuhol upang makamtan ang kanilang pangangailangan. Hindi alintana kung saan at papaano siya kukuha ng kanyang salaping gugugulin, maging ito man ay pag-aari ng iba
- Ang Parusa ng Allah (y) ay ibinaba sa mga kumunidad kung saan ang pakikiapid at pangangalunya ay palasak. Ang Propeta ng Allah (s) ay nagsabi:“Ang aking ‘Ummah’ (Nasyon) ay mananatiling maligaya at magiging mapalad hangga't walang isinisilang na batang bastardo sa kanilang pamayanan. Kung ito ay maganap, ang parusa ng Allah ay mangyayari.” (Ahmed & Sahee at-Targhib wat-Tarhib)